Thursday, December 13, 2012

Ang pangarap kong maging piloto.

Bata palang ako gusto ko na magpiloto, pag tinatanong ako kung anong gusto kong maging paglaki sasabihin ko "Driver po ng erpleyn" eroplano ang nilalaro ko imbis na barbie at mga doll minsan kotse kotsehan.


Siguro ako na ang pinakamasayang tao kung mararanasan kong magpalipad man lang ng eroplano o kahit chopper lang kahit yung pinaka cheap at wasak wasak ayos lang basta mapalipad ko siya. Gagawin ko ang lahat matupad lang yun. Pangarap ko din maging airforce parang ang death-defying kasi ng ginagawa nila atsaka ang hardcore nila tignan. Pangarap ko din palang tumangkad.

1 comment:

  1. sa tingin ko ang paborito mong kanta ay ang "I Believe I can Fly" ni R Kelly.

    ReplyDelete