Espanya, Manila
Tangina talaga! Nahugasan ang aming kaluluwa ng dahil sa
hagupit ng bagyong Ondoy, ganito kasi ang mga pangyayari ng naganap:
Ang
paghuhugas ng kaluluwa,
Una tumawid kami sa Espanya tapos nahugasan ang
aming mga paa dahil konting ambon palang baha na dun, kung sa University Belt ka nagaaral alam mo yan. Dun din pala kami sasakay sa may Morayta edi sana
nag tulay nalang kami upang makatawid ng hindi nasasalanta ng bagyong Ondoy
yung sapatos namin. Sumakay na kami ng dyipni, kung saan saang lupalop
sumuot yung dyipni na sinakyan namin dahil nga baha at lubog na ang kasarinlan ng Espanya
at wala ng madadaanan. Ilang oras kaming nasa loob
ng dyipni na hndi umahandar. Si Sese bumaba na (ay nakalimutan ko
palang sabihin kung sino-sino ang mga cast , si Shu-ju taiwanese, si Sese, si Depfpfpfpfpfff) kasi
hndi na niya nakayanan sa jeep, ang tagal daw kaya bumaba na siya dun sa may Rotonda
at nagtungo na siya sa Banawe, kaming tatlo naman ay naghintay pa din ng mga ilang oras pero kalaunan napagmeetingan na din namin na bumaba at kumain na muna sa keyhepsi tutal als dose na din naman nun..
KFC
Umorder na kami ng makakain para sa tanghalian namin tapos minalas
si Hagdepfpfpffa mais lang ang nabili nya hakala nya daw carbonarra yun
dahil sa false advertising ng menu ng KFC. Matapos naming umorder paglingon namin sa labas wala ng trapik bale nag-aksaya lang
kami ng pera imbis na sa bahay na lamang kakain -_-.
Rotonda
Dito sa lugar na ito nagsimula ang alay lakad namin (nila \shu-ju the taiwanes girl and Depp) Masuwerte yung taiwanes
dahil hanggang Araneta Ave. lang ang nilakad niya ngunit nakaranas din siya ng
paghuhugas ng kaluluwa pero hanggang lampas tuhod lang.
Matapos naming makaraos sa kaguluhang iyon nag-istambay na si Shuju sa Jollibee dahil hihintayin niya na ang kanyang ina na taiwanese din para sunduin siya. Kami ni Agdepfpfpfpfpfpffa ay patuloy parin sa paglalakbay habang kinakalaban
namin ang hagupit ni Ondoy. Sa mga oras na iyon napagtanto niya na nararapat na siyang
magsuot ng medyas dahil hndi na kinaya ng paa nya ang hagupit ni Ondoy
kung kaya't nag dropby muna kami sa Farmbreed (along Quezon Ave.) kung saan makakabili ka ng
lovebirds at iba pang uri ng mga hayop, isa siyang one stop shop sari-sari store ng mga hayop. Habang siya ay nagsusuot na ng medyas napagisip-isip
ko na din na magsuot na din ako ng medyas. Simula kasi sa Rotonda nagtanggal na kami ng sapatos at nagpaa nalang. Pagkatapos naming manghimasok sa FarmBreed tuloy parin ang aming alay lakad.
Quezon Ave.
Kung baga sa Plants vs. Zombies second wave. Ang
pangalawang paghuhugas ng kaluluwa. Hanggang bewang na ang baha pero ito
ay tinahak parin namin sa kagustuhang makauwi. Ang haba ng aming tinahak na nakababad ang
kalahati ng aming katawan at kaluluwa sa kulay gray na katubigan. Nung
nakaraos na kami pinanuod muna namin yung
isang tao na naglakas ng loob itawid ang kanyang kotse sa lalim ng baha sa kahabaan ng Quezon Ave. ngunit hndi siya
nagtagumpay sa balak niya.
Delta, West Ave.
Tuloy parin kami sa paglalakbay. Nung makarating
kami sa Delta nakakita nanaman kami ng baha sa may pa U-turn, ngunit hindi na kami naglakas ng loob na tawidin pa yun at nagober da bakod nalang kami sa Bawal Tumawid may Namatay Na Dito na fence na kulay pink.
West Ave.
Nakatawid na kami papuntang West Ave., Doon matatagpuan mo ang rapids ng West Ave. (future tourist spot sana kung nagtuloy tuloy ang bagyo) na kay saya, walang awang tinatangay ng rapids na ito ang
aming pagkatao,
Ang Truck ng Liwanag at Pagasa
Buti na lang maswerte pa din kami at nakakita kami ng truck at sapilitan
kaming sumakay dun, sumabit kami at wala ng nagawa si kuya manong driver. Sa panahong ito naramdaman namin ang pagka certified refugee namin buti na lang
talaga mababait sila kuya manong pero may limitasyon din pala, binaba niya na kami dun sa may tapat ng Mann Hann (along West Ave. padin) parang
wala lang din konting patikim lang ng ginhawa, pero ayos na din kahit papahano. Tuloy parin kami ni Depp sa alay lakad
at sa parteng ito babad na babad na talaga ang aming pagkatao at
kaluluwa lahat na pati bag basang basa (takenote andun lahat ng gamit ko: coloring materials, techpens, sketchpads, pencils, lahat ng kayamanan ko etc.) ng dahil sa hagupit ni Ondoy. Ang
haba talaga nun na nakababad ang aming pagkatao magmula dun sa binabaan
namin sa may Mann Hann hanggang Paramount.
Paramount
Nakaraos na din kami at nagfootbridge na kami at
naglakas loob na dumaan sa loob ng SM North kahit basang basa kami at
tumutulo pa kami sa loob ng SM, may nakasabay pa kaming fellow Thomasians na taga Engineering at taga Architecture na naglakad din mula UST.
SM North
Naglakad narin kami pauwi
hanggang dun sa may Roys Pag-asa, dito na kami naghiwalay ng landas ni Depfpfpfpfpfpfff. Naginarte pa ko at sumakay ng tricycle hindi ko na talaga kasi kaya, soaked + tired = may karapatan na kong maginarte pero nagsisisi din ako kung bakit nagtraysikel pako nasayang pamasahe ko shit, 20 pesos din yun shit.
Home
Pagdating ko sa aming bahay paalis na sana yung uncle ko dahil
susunduin na niya dapat ako, parang pulis lang dadating lang kung kelan patay na yung biktima. Ako ay nakauwi na basang basa at tumutulo pa yung tubig sa uniform ko, di pa nakakapasok sa bahay sinermonan agad ako ng nanay ko, ganon siya ka sweet. Pinaligo
na niya agad ako, naligo ng alkohol at ng sermon
P.S. Wala akong dalang cellphone nung araw na ito dahil naJabbawockeez isang araw bago to mangyari.
buti na lang talaga hindi ako pumasok nun! HAHA
ReplyDelete